Home ENTERTAINMENT Ellen, nagpaliwanag sa isyung itinago ang pagbubuntis!

Ellen, nagpaliwanag sa isyung itinago ang pagbubuntis!

154
0

Manila, Philippines – Kung hindi pa niya ifinlex ang larawan ng kanyang misis sa hospital bed while cradling their newborn baby ay hindi pa malalaman ng publiko na buntis at nanganak na si Ellen Adarna.

Matatandaang mismong si Derek Ramsay ang nag-post nito kamakallan.

At kung matatandaan din, nauna nang itinanggi ni Derek na buntis si Ellen sa vlog interview ni Morly Alinio.

At dahil it’s all over, mas imbiyerna ang maraming netizens kay Ellen.

Ano raw ang dahilan kung bakit pati pagbubuntis niya’y inilihim pa niya?

Siya na nga raw itong nagsasabing she wanted a baby born in the Year of the Dragon, so why keep it hush-hush?

Hindi na nakatiis si Mrs. Ramsay na hindi i-address ang pagkainis ng ibang netizens.

Aniya, in the first place ay never daw niyang inilihim ang kanyang pregnancy.

“My family and friends knew I was pregnant,” depensa niya.

Sa katunayan, before giving birth ay lumalabas daw siya ng bahay nang naka-crop top: “Kahit malaki na ang tiyan ko!”

So, why did it take her husband Derek to break the news at hindi siya mismo?

Simple lang ang sagot ni Ellen, asserting her right.

Sey niya: “I wanted a peaceful pregnancy. I simply avoided getting opinions from people I don’t know!”

Bukod sa mga opinyon na ayaw raw niyang pakinggan, tablado rin kay Ellen ang mga unsolicited advice.

llang araw na since Ellen gave birth to her child by Derek, ni gender ng sanggol ay hindi niya isine-share.

Hindi na nagtataka ang mga netizens kung hanggang mabinyagan ang bata’y may “news blackout” pa rin.

Well, they have the right to privacy! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here