MANILA, Philippines- Bumaba ang mga krimen at tumaas ang clearance rates, ayon sa Philippine National Police nitong Martes, kung saan binanggit ang 61.87 porsyentong pagbaba sa index crimes na naitala mula July 2022 hanggang July 2024 kumpara sa parehong period sa pagitan ng 2016 at 2018.
“Our latest data indicates a substantial decline in crime rates, underscoring the effectiveness of our ongoing strategies and proactive measures,” pahayag ng PNP matapos sabihin ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Senate hearing nitong Lunes na umakyat ang krimen sa ilalim ng administrasyong Marcos.
Sa kanyang opening statement sa pagdinig sa drug war ng kanyang administrasyon, dinipensahan ni Duterte ang madugong kampanya na aniya ay nilalayong protektahan ang mga mamamayan mula sa drug-related crimes.
Dagdag niya, muling tumaas ang mga krimen sa pagtatapos ng “istilo” niya ng anti-narcotics operations.
Sinabi ng PNP nitong Martes na nakapagtala ito ng 83,059 index crimes mula July 1, 2022 hanggang July 28, 2024 kumpara sa “217,830 reported incidents during the same period of 2016 to 2018.”
Anito, mayroong “11,641 fewer murder cases, 2,420 fewer homicides, 2,719 fewer rape incidents and a decrease in physical injuries cases of 34,966.”
“This significant downward trend spans various categories of crime,” giit nito, sinabing nagkaroon din ng “significant decline” sa crimes against property sa nasabing panahon.
Itinuturing ng PNP ang murder, homicide, physical injury, carnapping, cattle rustling, robbery, theft at rape na mga seryosong krimen na nagaganap nang may “sufficient frequency and regularity” na maaaring magamit ang mga datos dito upang ilarawan ang crime situation.
“In addition to the reduction in crime volume, the PNP has made significant strides in operational efficiency, evidenced by a 27.13-percent increase in the Crime Clearance Efficiency rate and a 10.28-percent rise in the Crime Solution Efficiency rate,” anito pa.
Wika ng PNP, nagresulta ang kasalukuyang kampanya laban sa ilegal na droga sa pagkakasabat sa P35.6 bilyong ilegal na droga at pagkakadakip sa 122,309 para sa drug-related offenses.
Giit ng PNP, ipagpapatuloy nitong magpatupad ng “balanced approach to law enforcement that combines effective crime prevention with a strong commitment to protecting human rights.” RNT/SA