Home NATIONWIDE Pag-atras ni Kaufman bilang abogado ni Digong, pinayagan ng ICC

Pag-atras ni Kaufman bilang abogado ni Digong, pinayagan ng ICC

73
0

MANILA, Philippines – Pinayagan ng International Criminal Court (International Criminal Court) Trial Chamber III ang pag-atras ni Nicholas Kaufman bilang abogado ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kinahaharap nitong kasong crimes against humanity.

Naghain si Kaufman ng kahilingan noong Mayo 8 matapos umanong magpasya si Duterte na kumuha ng bagong counsel para sa kanyang depensa kaugnay ng war on drugs case.

Ayon sa mosyon, nakausap na ni Kaufman ang kanyang magiging kapalit at handa na umano itong agad akuin ang representasyon ni Duterte, kabilang ang pagdalo sa susunod na status conference sa Mayo 27.

“Having considered the present stage of the proceedings and the aforementioned factors, the Chamber is of the view that no prejudice arises or inconvenience is caused by accepting Mr Kaufman’s withdrawal,” ayon sa limang pahinang desisyon ng ICC chamber.

Gayunman, pinaalalahanan pa rin ng korte si Kaufman sa kanyang mga obligasyon sa ilalim ng Code of Professional Conduct at confidentiality rules ng Rome Statute at Rules of Procedure and Evidence.

Nanatili si Duterte sa kustodiya ng ICC habang hinaharap ang tatlong bilang ng crimes against humanity kaugnay ng madugong kampanya kontra droga ng kanyang administrasyon.

Batay sa tala ng gobyerno, mahigit 6,000 katao ang nasawi sa anti-drug operations, habang higit 30,000 naman ang tantiya ng mga human rights groups, kabilang ang mga menor de edad. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here