Home NATIONWIDE 26 solon na tumutol sa impeachment ni VP Sara, kilalanin

26 solon na tumutol sa impeachment ni VP Sara, kilalanin

79
0

MANILA, Philippines – Opisyal nang na-impeach si Vice President Sara Duterte matapos ang napakalaking botohan sa House of Representatives: 255 pabor, 26 tutol, at 9 abstention, kaugnay ng Committee Report 261 at House Resolution 289 na naglalaman ng apat na Articles of Impeachment na ipapasa na sa Senado.

Malinaw na lumamang ang mga bumoto pabor sa impeachment, lampas sa kinakailangang boto ng Konstitusyon, dahilan upang maipasa ang kaso sa Senado bilang impeachment court.

Kabilang sa 26 na tumutol at hindi sumuporta sa pagpapasa ng impeachment ay sina Reps. Francisco Kiko Barzaga (Cavite), Leandro Leviste (Batangas), Paulo Marcoleta (SAGIP Partylist), Dale Corvera (Agusan del Norte), Robert Nazal (BH Partylist), Harold Duterte (PPP Partylist), Omar Vincent Duterte (2nd District – Davao), Paolo Duterte (1st District – Davao), Maria Vanessa Aumentado (Bohol), Isidro Ungab (Davao), Roger Mercado (Leyte), Sun Judal Shimura (Cebu), Jesus “Bong” Suntay (Quezon City), Kristine Alexie Tutor (Bohol), Girlie Veloso (Malasakit and Bayanihan Partylist), Rachel Del Mar (Cebu), at Jay Vergara (Nueva Ecija).

Bago ang botohan, pansamantalang dumalo sa plenaryo si dating House Speaker Martin Romualdez sa gitna ng tinaguriang makasaysayang desisyon ng Kamara.

Ayon kay House Justice Committee Chairperson Gerville Luistro, layunin ng impeachment report na ituloy ang proseso upang mabigyan ng pagkakataon ang Senado na dinggin ang kaso.

“Ang hinihingi lamang natin ngayon ay ipagpatuloy ang proseso. Bigyan natin ng pagkakataon ang Senado na dinggin ang buong katotohanan,” ani Luistro.

Dagdag niya, sa Senado mabibigyan ng pagkakataon ang Bise Presidente na sagutin ang lahat ng akusasyon at iharap ang kanyang depensa sa harap ng publiko.

“At sa Senado, naroon ang pagkakataon ng Bise Presidente na sagutin nang buo ang bawat alegasyon, iharap ang kanyang ebidensya, at marinig ng buong sambayanan ang kanyang panig,” dagdag pa niya.

Binigyang-diin din ni Luistro na ang impeachment report ay bunga ng masusing pagtalakay at hindi ng tsismis o impluwensya ng social media, kundi ng prosesong nakabatay sa Konstitusyon. Meliza Maluntag

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here