Home NATIONWIDE Pag-IBIG nakapagtala ng P64.34B dibidendo; MP2 kumita sa 7.12%

Pag-IBIG nakapagtala ng P64.34B dibidendo; MP2 kumita sa 7.12%

197
0

MANILA, Philippines – Nagdeklara ang Pag-IBIG Fund nitong Biyernes ng record na P64.34 bilyong dividend para sa 2025, katumbas ng 98.6% payout ratio na mas mataas sa itinakdang minimum na 70% ng taunang net income na dapat ibalik sa mga miyembro.

Sa Pag-IBIG Chairman’s Report 2025 sa Pasay City, sinabi ni Pag-IBIG CEO Marilene Acosta na suportado ang dividend declaration ng net income na P65.8 bilyon.

“This is the highest [dividend] in our history,” ani Acosta.

Inanunsyo rin ang mas mataas na dividend rates para sa savings ng mga miyembro. Itinakda sa 6.62% ang regular savings, mas mataas kumpara sa 6.60% noong 2024, habang ang Modified Pag-IBIG 2 (MP2) savings ay may 7.12% yield, mula sa dating 7.10%.

Ayon kay Department of Human Settlements and Urban Development Secretary Jose Ramon Aliling, na siya ring chair ng Pag-IBIG Fund Board of Trustees, isa ito sa pinakamagagandang taon ng ahensya sa loob ng 45 taon nito.

“Pag-IBIG Fund has once again marked 2025 as one of its best-performing years, as we declared the highest amount of dividends in our 45-year history,” pahayag ni Aliling.

Dagdag niya, dahil sa matatag na performance ng ahensya, naibigay ang mas mataas na kita sa savings ng mga miyembro habang nananatiling abot-kaya ang housing loans sa ilalim ng Expanded Pambansang Pabahay Para sa Pilipino (Expanded 4PH) Program.

Noong 2025, umabot sa record na P160.41 bilyon ang kontribusyon ng mga miyembro, mas mataas ng 21% kumpara sa nakaraang taon. Dito, P93.6 bilyon ang nagmula sa voluntary contributions na lumagpas sa P66.80 bilyon mula sa mandatory contributions. Lumago rin ng 50% ang investment income sa P9.43 bilyon, habang ang kabuuang assets ay umabot sa P1.23 trilyon.

Itinatag ang Pag-IBIG upang magpalakas ng savings sa pamamagitan ng integrated nationwide membership system at gamitin ang pondo ng mga miyembro para sa pabahay. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here