Home NATIONWIDE Pag-imprenta ng balota sisimulan na sa Enero

Pag-imprenta ng balota sisimulan na sa Enero

MANILA, Philippines – Magsisimula sa susunod na buwan ang pag-imprenta ng mga balota para sa kauna-unahang parliament polls sa kabila ng nakabinbing panukala na ipagpaliban ang Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao (BARMM) Parliamentary Elections, inanunsyo ng Commission on Elections (Comelec).

Sa live test ng Trusted Build para sa 2025 National and Local Elections (NLE) na ginanap sa Chairman’s Hall, Palacio del Gobernador Bldg., Intramuros, Manila, sinabi ng Comelec Chairman na sisimulan na nila ang pag-imprenta ng mga balota para sa BPE noong Enero 6.

Idinagdag ni Garcia na ang pag-imprenta ng BARMM ballots ay kasabay ng pag-imprenta ng mga opisyal na balota para sa 2024 NLE sa National Printing Office (NPO) sa Quezon City.

Noong nakaraang linggo, inaprubahan ng House of Representatives sa pinal na pagbasa ang House Bill 11444, na naglalayong ipagpaliban ang BPE.

Sa ilalim ng panukalang batas, ililipat ang Bangsamoro elections makalipas ang isang taon o mula Mayo 12, 2025 hanggang Mayo 11, 2026.

Samantala, nagsagawa ang Comelec ng “trusted build” ng mga programa para sa automated election system (AES) na gagamitin sa darating na botohan.

Sinabi ng Comelec na ang aktibidad ay sinuru ang management system ,source code , consolidating at transmission systems at internet voting.

Ang “trusted build” ay proseso ng pag-assemble ng pangkalahatang programa na mamamahala sa buong AES gamit ang nasuri na mga bahagi. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)