Home NATIONWIDE Pag-imprenta ng nat’l IDs hindi ‘sub-contracted’ – BSP, PSA

Pag-imprenta ng nat’l IDs hindi ‘sub-contracted’ – BSP, PSA

MANILA, Philippines- Kapwa pinabulaanan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at Philippine Statistics Authority (PSA) na nilabag ng mga ito ang alituntunin laban sa sub-contracting nang may ibang kompanya ang ginamit para mag- supply ng cards, equipment, at makinarya para mag-imprenta ng mga national ID.

Ang BSP at PSA ay ang mga pangunahing ahensya na nagpapatupad ng Philippine Identification System (PhilSys) o National ID project sa bansa.

Sa isang kalatas, sinabi ng BSP na ito’y “fully complied with the Agency-to-Agency Procurement Guidelines (Negotiated Procurement under Section 53.5 of the Implementing Rules of Republic Act No. 9184) and its agreement with the PSA for the printing of National IDs.”

“The BSP did not subcontract its obligations to AllCard Inc. (ACI),” ang sinabi naman ng Bangko Sentral.

Winika pa ng Bangko Sentral na ang mga tauhan ng BSP at PSA ang siyang nangangasiwa ng operasyon habang ang ACI ang nagbibigay ng mga “equipment, raw materials, at technical support” sa ilalim ng isang “lease and supply contract.”

“The Commission on Audit (COA) team assigned to BSP flagged no issues related to subcontracting in its review of BSP’s transactions,” ang sinabi pa rin ng Bangko Sentral.

Inulit naman ng BSP ang sinabi ng PSA na tinukoy ng COA sa May 2023 audit report nito na ang ‘subcontracting’ ay hindi pinapayagan sa ilalim ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng PSA at BSP para sa printing ng National ID cards.

Dahil dito, sinabi ng PSA na ganap silang nakasunod sa Agency-to-Agency Procurement Guidelines sa ilalim ng Republic Act No. 9184 kaugnay sa printing ng mga National ID.

“As the primary stakeholders in the ongoing implementation of our National ID system, we affirm our alignment with the BSP’s commitment to transparency, accountability, and compliance with our procurement laws,” ang winika ng PSA.

Dagdag pa rito, sinabi ng BSP na ang nagpapatuloy na usapin sa ACI, hinggil sa pagkabigo na matugunan ang contractual obligations, ay sumasailalim ngayon sa arbitration.

“This independent proceeding serves as the proper venue to resolve all issues raised by ACI, and the BSP shall abide by the decision of the arbitration committee,” ang sinabi ng Bangko Sentral.

“Considering the ongoing arbitration, the BSP will refrain from making further public statements on specific matters pertaining to the proceedings,” anito pa rin.

Matatandaang tinapos ng Monetary Board (MB) ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang kontrata sa pagitan ng BSP at All Card Inc. (ACI), ang supplier ng mga PhilSys ID card.

Sa ilalim ng MB Resolution No. 962, tinapos na ang kontrata para sa technical and maintenance support personnel; training ng BSP at Philippine Statistics Authority personnel; supply at delivery ng raw materi-als, consumables, at wear-and-tear spare parts para sa 116 milyong piraso ng PhilID cards.

Nakapaloob sa resolusyon ang notice of decision hinggil sa detalye ng termination ng kontrata tulad ng pagkabigo ng ACI na mag-deliver ng sapat na raw materials sa takdang panahon sa kabila ng ibinigay na extension; pagkabigo na mamantine ang production machinery bunga ng kawalan ng machine spare parts na siyang nagpahaba sa machine downtime; at pagkabigo ng kompanya na tuparin ang kanilang mga obligasyon sa ilalim ng kontrata.

Ilan dito ay ang hindi umano pagsunod ng ACI sa mga balidong utos; pagkabigo na magbigay ng komprehensibo at makatotohanang catch-up plan; pag-abandona sa kontrata; pagkakaroon ng 7% wastage, na lagpas sa 1% maximum allowable maximum wastage.

“As of June 30, the cumulative liquidated damages due from ACI have reached more than 10% of the contract price. The contract is hereby deemed terminated from receipt by ACI of the notice decision. No other paper or document shall be entertained by the Monetary Board,” ayon sa dokumento na nilagdaan ni BSP Monetary Board Secretary Clifton Abot.

Noong nakaraang taon, pinasisiyasat ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III sa Senate Blue Ribbon Committee Philippine Statistics Authority dahil sa pagkaantala ng national ID card.

“Given the unreasonably prolonged delivery, questionable usefulness, and substandard quality of the national IDs, there is already cause to believe that there is malfeasance, misfeasance, or nonfeasance on the part of the leadership in the PSA, the BSP, and other relevant agencies in fulfilling its mandate under Republic Act No. 11055,” giit ni Pimentel sa inihaing resolusyon. Kris Jose