Home NATIONWIDE Pag-isyu ng arrival sticker sa Pinoy na daraan sa e-gates ititigil na

Pag-isyu ng arrival sticker sa Pinoy na daraan sa e-gates ititigil na

MANILA, Philippines – INANUNSIYO ng Bureau of Immigration (BI) na simula sa Abril ay ititigil na nila ang pag-iisyu ng arrival stickers sa mga pasaherong Pinoy na gumagamit ng e-gates sa mga paliparan.

“Consistent with the Bureau’s mandate to deliver effective and efficient immigration service, all are hereby informed of the discontinuance of arrival stickers for Filipino passengers processed through E-GATES at all international ports of entry effective 01 April 2024,” batay sa abiso ng BI.

Idinagdag ng BI na matatanggap ng mga pasaherong Filipino ang kanilang arrival confirmation sa pamamagitan ng email address sa eTravel system nito, ngunit maaari pa rin silang pumili ng BI arrival border stamp sa oras na i-request nila ito.

“Notwithstanding, the Bureau of immigration Arrival Border Stamp may be affixed onto the Philippine Passport by the Immigration Officer (IO) assigned at E-Gates upon request,” saad sa abiso.

Pinayuhan din ng BI ang mga pasahero na magparehistro sa eTravel system nang hindi bababa sa 72 oras bago sila bumiyahe.

“For speedy processing, passengers are enjoined to register at or update their information in the eTravel System at least seventy-two (72) hours prior to the intended travel,” saad pa sa abiso. Jay Reyes

Previous article‘No Degree, No Entry’ sa SUCs teaching staff, buburahin ng Senado
Next articleExtortion activities ng ilang BI officials pinatatalupan