Home HOME BANNER STORY Extortion activities ng ilang BI officials pinatatalupan

Extortion activities ng ilang BI officials pinatatalupan

MANILA, Philippines – PINAIIMBESTIGAHAN ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco ang umano’y extortion activities na ginawa ng ilang kawani ng bureau na ang kanilang target ay mga Filipino-Indian community sa Iloilo, Bacolod City, at Bohol.

Nakasaad sa ulat na ilang mga tauhan ng BI ang humihingi ng P350,000 sa bawat Filipino-Indian na kanilang inaresto kapalit ng kanilang paglaya.

Sinabi ni BI Spokesperson Dana Krizzia Sandoval na ang bureau ay hindi pa nakakatanggap ng anumang pormal na reklamo hinggil sa umano’y isyu ng pangingikil.

Gayunpaman, sinabi ni Sandoval, agad na sinimulan ni Commissioner Tansingco ang pagsisiyasat nang matanggap ang nabanggit na ulat.

“His office does not tolerate the use of names of officials in extortion activities,” giit ni Sandoval.

“We have initiated an investigation on this matter and are welcoming information from concerned individuals on reports against erring personnel,” ayon naman kay Tansingco. Jay Reyes

Previous articlePag-isyu ng arrival sticker sa Pinoy na daraan sa e-gates ititigil na
Next articlePelikulang ‘Chasing Tuna in the Ocean’ ipinagbawal sa Pinas