MANILA, Philippines- Sinuspinde ng Commission on Elections (Comelec) ang pag-isyu ng voter certifications at registration records sa Setyembre 30 para pagtuunan ng pansin ang huling araw ng pagpaparehistro sa buong bansa.
Sa isang resolusyong inihain noong Setyembre 25, inihayag ng Comelec en banc na ang pansamantalang pagsususpinde ay magbibigay-daan sa mga lokal na tanggapan ng halalan na unahin ang mga aplikante sa huling araw ng pagpaparehistro.
“After due deliberation, the Commission en banc, by virtue of the powers vested in it by the Constitution, the Omnibus Election Code, the Administrative Code of 1987, and other relevant statutes, hereby resolves to suspend the issuance of voter certifications and voter registration records on Sept. 30, 2024, in all Offices of Election Officers (OEOs) nationwide to ensure they can cater to all applicants within their jurisdiction and maintain order during the final day of voter registration,” saad sa resolusyon.
Para sa mga nangangailangan ng voter certifications o records, pinayuhan ng poll body na bisitahin ang Central File division ng Election Records and Statistics Department, partikular para sa mga botante, sa National Capital Region sa Ermita, Manila.
“For the National Capital Region OEO, any requesting registered voter shall be advised to proceed to the Central File division of the Election Records and Statistics Department for the issuance of their voter certifications or voter registration records,” dagdag pa.
Magsisilbing pansamantalang voter identification ang voter certificate at may ito ay may bisa sa loob ng isang taon mula sa date of issuance. Jocelyn Tabangcura-Domenden