Home METRO Pag-ulan di nagpatigil sa dagsa ng tao sa MNC; Mga pumasok sa...

Pag-ulan di nagpatigil sa dagsa ng tao sa MNC; Mga pumasok sa sementeryo 710,500 na!

342
0

MANILA, Philippines – Kasabay ng pagbuhos ng mga tao na nagtutungo sa sementeryo ay bumuhos din ang ulan ngayong Undas.

Dahil dito, karamihan ay minabuti munang sumilong at kanya-kanya namang labas ng dalang payong ang iba.

Nanatiling makulimlim ang panahon ngayon matapos ang 15 minutong pagbuhos ng ulan pero tuloy-tuloy pa rin ang pagdagsa ng mga bumibisita sa loob ng Manila North Cemetery (MNC).

Sa datos ng Manila Police District (MPD), sumampa na sa 710,500 ang naitalang pumasok sa naturang sementeryo na itinuturing na pinakamalaking libingan sa buong bansa.

Marami na rin ang nagsisiuwian dahil sa pag-aalalang abutan ng malakas na buhos ng ulan ngayong hapon.

Samantala, may mga senior citizen namang tinugunan ng mga tauhan ng Manila Disaster  Risk Reduction Management Office (MDRRMO) kung saan pawang mga kinuhanan ng blood pressure dahil sa bahagyang pagkahilo at pagod.

Ang isa rito  ay ang  force multiplier ng V.Mapa na si Aling Virginian Cosina,49 anyos na bigla na lamang tumumba at  sa kabutihang palad ay nasalo ng katabing lalaki. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here