Home NATIONWIDE PAGASA: ‘Above normal rains’ nakaamba mula Oktubre sa La Niña

PAGASA: ‘Above normal rains’ nakaamba mula Oktubre sa La Niña

MANILA, Philippines- Posibleng maranasan ang above normal rainfall sa Metro Manila at ilang bahagi ng bansa sa huling tatlong buwan ng taon, ayon sa state weather bureau PAGASA.

Sinabi ng PAGASA na dahil ito sa posibleng epekto ng La Niña phenomenon.

Inihayag ni PAGASA Analiza Solis na maaaring maranasan ang heavy rainfall hanggang mahigit 140% sa capital region simula Oktubre hanggang Disyembre.

“October-November-December, La Niña will most likely be a category. Dito natin nakikita ‘yung possible impact ng La Niña sa ating rainfall dahil mas mataas na ang probability of having above normal rainfall conditions over most parts of the country,” pahayag ni Solis saPAGASA 173rd Climate Forum.

“In terms of forecast rainfall, in percent generally near to above normal rainfall condition but dominantly above normal rainfall conditions ang nakikita natin by October,” dagdag ng opisyal.

Nagbabadya sa Metro Manila ang 146.4% ng rainfall sa Oktubre; 149.8% sa Nobyembre; at 163.7% sa Disyembre, dagdag ni Solis. Gayundin, sinabi niyang posibleng maranasan ng eastern, western, at northeastern sections ng Luzon ang pinakamalaking epekto ng nakaambang pag-ulan.

Nauna nang inihayag ng PAGASA na maaaring maantala ang pagsisimula ng La Niña phenomenon sa pagtatapos ng taon, kung saan may 55% tiyansang maganap ito sa pagitan ng Oktubre at Nobyembre. Inaasahan ding tatagal ito hanggang unang quarter ng 2025.

Nararanasan sa La Niña ang “unusually cooler than average sea surface temperatures (SSTs) in the central and eastern equatorial Pacific (CEEP).” Karaniwan itong sinasabayan ng above-normal rainfall conditions. RNT/SA