Home IN PHOTOS Seafarers hub para sa marinong OFWs pinasinayaan

Seafarers hub para sa marinong OFWs pinasinayaan

Larawan kuha ni Cesar Morales

MANILA, Philippines- Pinangunahan nina Department of Migrants Workers (DMW) Secretary Hans Cacdac, OWWA Administrator Arnell Ignacio, at OFW Party-list Representative Marissa Del Mar Magsino ang pagbubukas ng Seafarers Hub para sa marinong Overseas Filipino Workers.

Ang Alagang OWWA Seafarers Welfare Hub ay isang komprehensibong sentro ng suporta na idinisenyo upang matugunan ang mga pangangailangan sa kapakanan, kaligtasan at propesyonal na pag-unlad ng Overseas Filipino Worker (OFW) Seafarers at kanilang mga pamilya. Ang inisyatiba na ito ay bahagi ng pangako ng OWWA na paghusayin ang kalidad ng buhay ng mga marino sa pamamagitan ng mga naka-target na serbisyo at mga programa ng suporta. Cesar Morales