MANILA, Philippines – Mababa ang tsansa na magkaroon ng bagyong bagyo na mabuo sa Philippine area of responsibility hanggang sa katapusan ng Nobyembre.
Batay sa forecast ng PAGASA, maaaring magkaroon ng tropical cyclone-like vortex na mabuo sa Tropical Cyclone Advisory Domain (TCAD) na may “low likelihood” ng pagiging isang ganap na bagyo sa pagitan ng Nobyembre 25 hanggang Disyembre 1.
Sa kabila nito, nakikitang papasok sa PAR ang TCLV.
Malayo ang TCAD para makaapekto sa anumang bahagi ng bansa.
Ayon sa PAGASA, dahil wala pa rin ang Northeast Monsoon o Amihan ay nakakapasok ang mga bagyo sa hilagang bahagi ng bansa.
Samantala, dagdag ng ahensya na kapansin-pansin ang pagdami ng bilang ng mga bagyo na nasa typhoon o super typhoon category. RNT/JGC