Home METRO PAGASA: LPA namataan sa labas ng PAR

PAGASA: LPA namataan sa labas ng PAR

407
0

MANILA, Philippines – Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) mayroong bagong Low Pressure Area (LPA) sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong Huwebes ng umaga.

Sa datos ng PAGASA kaninang alas-8 ng umaga, namataan ang LPA sa layong 1,020 kilometro hilagang-silangan ng hilagang Luzon.

Dagdag pa ng weather bureau na mayroon itong “medium” na tyansa na maging bagyo sa susunod na 24 oras.

Pinayuhan ng PAGASA ang publiko na manatiling updated sa mga lagay ng panahon. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here