Home NATIONWIDE PAGASA may babala sa Bagyong Pepito

PAGASA may babala sa Bagyong Pepito

MANILA, Philippines – Nagbabala ang PAGASA sa publiko sa posibleng epekto ng Bagyong Pepito na mabilis na nakaabot sa Typhoon category nitong Biyernes, Nobyembre 15.

“The next 24 hours are critical. Pepito moves really fast at 30 kph (kilometers per hour) Lubhang mapanganib ito (It’s very dangerous),” ayon kay Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) Administrator Nathaniel Servando.

Sa huling ulat ay taglay ng Bagyong Pepito ang lakas ng hangin na aabot sa 130 kilometro kada oras at pagbugso na 160 kilometro kada oras.

Maaari itong umabot sa Super Typhoon Category sa bago tumama sa kalupaan Sabado ng gabi o Linggo ng umaga.

“It is forecast to further intensify as goes nearer the landmass. Torrential rains could result in floods, landslides and storm surge,” ani Servando.

Maaaring maapektuhan ang Eastern Visayas, Bicol Region, Central Luzon at Quezon. RNT/JGC