Manila, Philippines- Ibinahagi ni Kris Aquino ang kanyang latest medical bulletin.
Ayon sa post ng Queen of All Media sa kanyang social media account, exactly two weeks ago raw nang sumailalim siya sa ultrasound guided PICC insertion.
Ito’y isang minimally invasive surgery na ginawa sa Makati Medical Center.
Patuloy niya, sa kabila ng kanyang pinagdadaanan ay hangga’t maaari: “I want to highlight the positive.”
Ito’y sa kabila ng dumapo sa kanya na anim na autoimmune disease.
Lalo raw nagpapahirap kay Kris ay pag nagkasabay-sabay na ang aniya’y ‘di maipaliwanag na allergies, lupus, arthritis at high blood pressure.
Gayunpaman, inisa-isa niyang pinasalamatan ang kanyang mga doktor at nurse sa MMC, most especially her doc-boyfriend Dr. Mike Padlan.
Sa pinakahuling pagsusuri, natuklasang wala nang panlaban si Kris sa viral o bacterial infection.
Dahil dito’y napausal si Kris na: “It’s lonely!”
Ito’y dahil hindi siya basta-bastang puwedeng dalawin ng kanyang pamilya’t mga kaibigan.
Because it seems that her health condition is turning worse, Kris can’t help but ask herself:
“Kakayanin ko pa ba?”
Pero si Kris na rin ang mismong sumagot ng kanyang katanungan–oo raw.
Nahihiya raw kasi siya sa mga taong patuloy na nagdarasal para sa kanyang paggaling.
Matatandaang it’s Kris who has been telling herself na: “Laban lang!”
Kris, your positive outlook is nothing short of amazing! Ronnie Carrasco III