Home ENTERTAINMENT Rannie, may ‘collection’ ng panty!

Rannie, may ‘collection’ ng panty!

Manila, Philippines- During his rise to fame, hindi naman porn o bold o sexy actor ang image ni Rannie Raymundo pero kinabog niya ang mga aktor na sumabak sa hubaran.

Grabe naman kasi ang dating ng singer.

Sa katunayan, he earned the distinction of being a singer na “makalaglag panty”!

True enough, literal na nalalaglag ang women’s underwear dahil ‘yun ang inihahagis sa kanya sa bawat live performance niya.

Noong una’y inakala niyang mga panyo lang ‘yon tossed in the air.

“Kaso nu’ng hawakan ko, iba ang texture…so alam ko na,” pagbabalik-tanaw ni Rannie.

When thrown at him, ano ang ginagawa niya sa mga panty na ‘yon?

Binubulatlat ba niya ‘yon to check kung bago o gamit na ang mga ‘yon?

Aniya: “Wala. Basta iniipon ko lang!”

At sa dami nga ng souvenir na ‘yon ay nakaipon siya ng mga panty na kumasya na sa case ng kanyang gitara.

Literally “with strings attached”! Ronnie Carrasco III