Home NATIONWIDE Kaso ng diabetes sa mundo dumoble sa higit 800M sa 30 taon

Kaso ng diabetes sa mundo dumoble sa higit 800M sa 30 taon

MANILA, Philippines – Dumoble ang kaso ng diabetes sa buong mundo sa nakalipas na 30 taon.

Nasa 300 milyong katao sa buong mundo ang apektado nito, ayon sa pinakabagong pag-aaral ng The Lancet.

Nakita sa pag-aaral ang pagtaas ng diabetes prevalence, particular sa low- and middle-income nations.

Ang pag-aaral ay isinagawa ng mga siyentipiko mula sa NCD Risk Factor Collaboration (NCD-RisC) sa pakikipagtulungan sa World Health Organization (WHO), at sumuri sa datos mula sa mahigit 140 milyong katao edad 18 pataas na nakolekta sa pamamagitan ng mahigit 1,000 pag-aaral sa buong mundo.

Napag-alaman na ang adult diabetes rates ay tumaas ng 7% noong 1990 sa 14% pagsapit ng 2022.

Kapansin-pansin ang findings na ang konsentrasyon ng mga kaso ng diabetes ay nasa kakaunting bansa lamang.

Ang India ang may pinakamataas na bilang ng mga indibidwal na may diabetes, o halos isang kapat ng global cases, o 212 milyong indibidwal.

Sinundan ito ng China sa 148 million cases, United States at Pakistan sa 42 million at 36 million cases. Ang Indonesia at Brazil ay 47 milyong kaso. RNT/JGC