Home NATIONWIDE PAGASA: Walang lugar na nagbabadyang makaranas ng ‘danger level’ heat index ngayong...

PAGASA: Walang lugar na nagbabadyang makaranas ng ‘danger level’ heat index ngayong Lunes

MANILA, Philippines- Walang lugar sa bansa ang inaasahang aabot sa “danger level” ng heat index ngayong Lunes, ayon sa PAGASA.

Itinuturing ng state weather bureau ang heat index sa pagitan ng 42°C at 51°C na nasa “danger” category, may banta sa kalusugan tulad ng heat cramps, heat exhaustion, at heat stroke.

Batay sa 5 p.m. March 9 bulletin, inihayag ng state weather bureau na ang pinakamataas na temperatura sa bansa ay papalo sa 41°C ngayong Lunes.

Inaasahan naman sa San Jose, Occidental Mindoro at Cuyo, Palawan ang 41°C temperature.

Samantala, sa Metro Manila, nakaamba ang 36°C temperature sa NAIA Pasay City habang aabot ang temperatura sa Science Garden, Quezon City sa 34°C temperature.

Nitong Linggo, naramdaman ang “danger level” heat index sa Dagupan City, Pangasinan na may 44°C temperature at Virac (Synop), Catanduanes sa 43°C temperature. RNT/SA