Home NATIONWIDE PAGASA: Walang super typhoon ‘Lakas’

PAGASA: Walang super typhoon ‘Lakas’

MANILA, Philippines- Pinabulaanan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang kumakalat ng ulat online na tumama ang super typhoon na tinawag na Lakas sa bansa.

Hindi totoo ang ulat ukol kay Lakas, kasing tindi umano ni Super Typhoon Yolanda (international name: Haiyan) na nanalasa sa Pilipinas noong Nobyembre 2013.

“There is none,” pahayag ni Pagasa weather division nang tanungin ukol kay Lakas.

Hindi kabilang si Lakas sa listahan ng mga pangalan na ikinasa ng Pagasa para sa tropical cyclones na maaaring pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR) ngayong 2024.

Batay sa isang social media post, si Lakas ay may peak wind speeds o gustiness hanggang 250 kilometers per hour na nakaapekto sa timog na bahagi ng bansa. Kapag na-click ang link na nasa post na nagdedetalye umano sa mga lugar na apektado ni Lakas, dumidiretso ito sa isang online shopping site.

Nauna nang sinabi ng Pagasa nitong Huwebes na mababa ang tiyansang maging tropical cyclone ang low pressure area na huling natukoy sa Samar. RNT/SA