Home ENTERTAINMENT Igan, ibinahagi ang last convo nila ni Chino!

Igan, ibinahagi ang last convo nila ni Chino!

Manila, Philippines – Obyus na may brotherly attachment sa isa’t isa sina Arnold Clavio at Chino Trinidad.

Pumanaw ang beteranong sports analyst gabi ng July 13, ayon na rin sa kanyang anak.

Massive heart attack ang iniulat na sanhi ng pagkamatay ni Chino, 56.

Alas onse ng gabi nang mag-collapse ito sa Newport Resorts Hotel.

Kaagad siyang isinugod sa San Juan de Dios Hospital sa Pasay City.

Sa kanyang Instagram account nitong July 14, ibinahagi ni Arnold ang screen shot ng convo nila ni Chino.

Ito’y noong June 15 habang nasa ospital si Arnold na inatake ng mild stroke.

Narito ang kanilang convo:

Chino: Ayos ka na Noy? Tama ka, listen to our bodies.

Arnold: Ingat, hehe.

Chino: Marami ka pang gagawin at matutulungan.

Arnold: Tayo.

Sa July 17 ay nakatakda sana ang medical checkup ni Chino.

Chino would have turned 57 this coming July 27.

Mula sa Remate Online, ang aming tauspusong pakikiramay sa pamilya ni Chino Trinidad. Ronnie Carrasco III