Home NATIONWIDE Pagbaba ng PH fertility rate, nagpapakita ng economic opportunity – CPD

Pagbaba ng PH fertility rate, nagpapakita ng economic opportunity – CPD

MANILA, Philippines – Nagrerepresenta umano ng economic opportunities sa Pilipinas ang pagbaba ng fertility rate.

Ito ay sa pagtaas naman ng working-age population na susuporta sa dependent population, sinabi ng opisyal ng Commission on Population and Development (CPD) nitong Biyernes, Abril 5.

Sa panayam, sinabi ni acting Division Chief ng CPD Knowledge Management and Communication Division Mylin Mirasol Quiray na ang total fertility rate sa bansa ay nasa 1.5 children per woman, mas mababa sa replacement level na 2.1 children, kung saan ang babae ay nanganganak na sapat lamang para mapanatiling stable ang populasyon.

“It is an opportunity for us na iyong working age po mas marami sa population. What does that mean? Ibig sabihin kapag may working age, 15 to 64 mas marami po iyong magsu-support sa dependent population,” ani Quiray.

Dagdag pa niya, ang pagbaba ng dependency ratio at mas malaking workforce, ay posibleng magbigay ng economic benefits sa demographic dividend.

“Makakatulong sa ating ekonomiya kasi demographic dividend pa rin naman ang ating end goal, which is mas maraming working age population of 15 to 64 na nagsu-support ng dependent population,” dagdag ni Quiray.

Ipinunto rin niya na ang working-age population ay nasa 63.5%, habang ang aging population ay nasa 5%, mas mababa sa 7% threshold na kailangan para masabing ito ay isang aging society.

Binanggit din ni Quiray ang datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) na nagpapakita ng pagbaba sa total registered live births noong pandemya mula 1.5 milyong sanggol na isinilang noong 2020, sa 1.3 milyong sanggol noong 2021.

“According to our research, it’s surprising na the pandemic was not top of mind for the people of the Philippines – actually, more on economic talaga iyong naging concern pala nila at that time – the lack of employment, opportunities and then economic shock that the pandemic has wrought,” ani Quiray.

“Tumataas din naman po iyong family planning method used sa Philippines, it’s just that kailangan ma-ensure na modern family planning method ang kanilang ginagawa hindi po ang traditional, which is withdrawal or rhythm or calendar.” RNT/JGC