Home NATIONWIDE Pagbaba ng tiwala sa Senado dahil sa budget insertions, impeachment ni VP...

Pagbaba ng tiwala sa Senado dahil sa budget insertions, impeachment ni VP Sara – Lacson

235
0

MANILA, Philippines – Tinukoy ni Senador Panfilo Lacson nitong Biyernes, Agosto 8 na ang pagbaba ng trust at performance rating ng Senado ay posibleng nakaugnay sa reaksyon ng publiko sa kontrobersyal na budget insertions at paghawak nito ng impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa kalatas, sinabi ni Lacson na ang paningin ng publiko sa korapsyon kabilang ang umano’y “pork” o bicameral insertions ng ilang mambabatas ay nakadagdag sa sentimyento ng publiko sa Senado.

“Maaaring naging dahilan ito, tama man o mali. Iyan kasi ang nakikita ng publiko at nababasa araw-araw. Maraming factors kaya kailangang mag-ingat tayo,” ani Lacson.

Sa survey ng OCTA Research mula Hulyo 12 hanggang 17, sinabi na ang trust rating ng Senado ay bumagsak mula 57% sa 49% habang ang performance rating ay bumaba rin mula 53% sa 47%.

Ani Lacson, ang survey ay tumapat sa pagkakaugnay ng mga senador sa P142 bilyong halaga ng bicam insertions at ang pagsasantabi ng impeachment complaint laban kay Duterte.

Sa kabila nito, umaasa si Lacson na ang mga inisyatibo katulad ng transparency ay magbabalik ng tiwala ng publiko.

“Sana magtuluy-tuloy itong transparency efforts at huwag na tayong magkaroon ng ‘bulungan bicam’ sa 2026 budget,” dagdag ni Lacson.

Aniya, patuloy nitong susuriin ang national budget kabilang ang mga kwestyonableng flood control projects. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here