MANILA, Philippines – Maglalagay ng opisina sa West Africa ang Department of Migrant Workers (DMW) upang tugunan ang mga alalahanin sa trabaho ng mga manggagawang Pilipino, karamihan sa kanila ay nagtatrabaho sa oil at seafaring sectors sa rehiyon.
Sa press briefing, sinabi ni DMW Secretray Hans Leo Cacdac na siya at iba pang opisyal ay magkakaroon ng weeklong visit sa Nigeria at Liberia simula Agosto 9.
Kasama sa trio agenda ang pkikipagpulong sa overseas Filipino worker (OFW) communities at kanilang minitsry counterparts, habang sinisikap ng ahensya ang pagtatag ng migrant workers office sa Abuja, ang kabisera ng Nigeria.
Pagkatapos ng Nigeria, kung saan humigit-kumulang 6,000 Pilipino ang nagtatrabaho, bibisita rin ang delegasyon sa Liberia na mayroong humigit-kumulang 150 manggagawang Pilipino, ayon kay DMW Undersecretary Jainal Rasul Jr.
Ang iba pang mga bansa sa West Africa na makikinabang sa bagong tanggapan ay kinabibilangan ng Senegal, Ghana, Ivory Coast, Sierra Leone, Burkina Faso, at Benin, kung saan naka-deploy din ang mga migranteng manggagawang Pilipino. Jocelyn Tabangcura-Domenden