Home OPINION PAGBABAGO DAHIL SA SBDP

PAGBABAGO DAHIL SA SBDP

Support to Barangay Development Program ang gamit ng National Task Force to End Local Communists Armed Conflict sa mga lugar na dati’y kinubkob ng mga komunistang-teroristang New People’s Army.

Ito ay paglalatag ng mga kaparaanan para mapanatili ang kaayusan sa mga lugar na ginulo ng NPA subalit nakuha muli ng pamahalaan sa pamamagitan ng militar.

Dala ng SBDP ang mga kailangan para paunlarin ang mga lugar na ito sa mga kanayunan. Maging imprastrakura, edukasyon, kakusugan o teknolohiya, ang SBDP ang nagbibigay ng kasiglahan sa kabuhayan sa mga lugar na ito.

Batay sa pahayag ni NTF-ELCAC Deputy Executive Director at SBDP Action Officer Monico Batle, tulad ng mga farm-to-market, halimbawa, na naibigay sa pamamagitan ng SBDP, “ang travel time, kung dati-rati ang nakadaraan lang ay kabayo at kalabaw,  ngayon ay pwede na gumamit ng 4-wheel na sasakyan.”

“Pwedeng motor at habal-habal. So ang resulta niyan, yung kanilang agri-products nadadala nila sa merkado sa maikling oras. Isa ‘yan sa mga naging impact na generic sa lahat, ‘yung produkto nila ay naihahatid nila sa merkado nang mas maaga kaya malaki ang impact ng economy sa sitio o barangay,” paliwanag ni Batle.

Kahit nga raw ang mga mag-aaral, na noon ay timatawid pa ng mga ilog para lamang makapunta sa kanilang paaralan, ay ‘di na ginagawa ito. Gamit na nila ngayon ang habal-habal o motorsiklo.

‘Basic services’ ika nga ang dala ng SBDP, upang mapagaan ang buhay ng ating mga kababayan sa mga kanayunan na napagsamantalahan ng mga komunistang-teroristang.

Kasama rito ang paglalatag ng kuryente at makabagong teknolohiya upang makasama ang mga naninirahan sa mga nayon sa mabilis na takbo ng buhay. Makagagamit sila ng cellphones, televisions, radios, at online services.

Ang mga pagbabagong ito ay dulot ng SBDP na isang paraan upang mabago na rin ang pananaw ng mga mamamayan na talagang may malasakit ang pamahalaan sa lahat. Malaking kabaligtaran sa mga itinanim sa kanila na maling ideolohiya ng NPA.