Home NATIONWIDE Pagbabakuna vs measles-rubella palalakasin ng DOH vs tumaas na kaso ngayong 2025

Pagbabakuna vs measles-rubella palalakasin ng DOH vs tumaas na kaso ngayong 2025

318
0

MANILA, Philippines – Palalakasin ng Department of Health (DOH) ang vaccination efforts laban sa tigdas at tigas hangin kasunod ng 29% pagtaas sa mga kaso nito sa bansa ngayong taon kumpara noong nakaraang taon.

Sa pahayag nitong Sabado, Disyembre 21, inanunsyo ni Health Secretary Teodoro Herbosa na ipatutupad ang Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR SIA) sa dalawang phases sa susunod na taon.

Ang unang phase ay isasagawa sa Mindanao, kabilang ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), mula Enero 19, 2026 hanggang Pebrero 13, 2026.

Isasagawa naman ang ikalawang phase sa Luzon at Visayas sa Hunyo 2026.

Target ng vaccination drive ang mga bata mula anim na buwan hanggang limang taong gulang na at risk sa naturang impeksyon.

Ang measels-rubella, na kilala rin bilang German measles, ay isang viral contagious disease.

“Sa pamamagitan ng Ligtas-Tigdas Vaccination, paiigtingin ng kagawaran, katuwang ang lokal na pamahalaan, ang bakunahan kontra-tigdas o measles at tigdas-hangin o rubella para mapigilan ang pagkamatay ng mga bata dahil sa sakit,” saad sa pahayag.

Hanggang noong Disyembre 6, nakapagtala ang DOH ng 4,843 kaso ng measles-rubella sa buong bansa na 29% mas mataas kumpara sa 3,748 kaso noong 2024.

Sa naitalang kaso, 73% o 3,511 kaso ang unvaccinated.

Karamihan sa mga kaso ay mula sa National Capital Region (1,027 cases), BARMM (768 cases) at CALABARZON (505 cases).

“Patuloy pa rin ang pagbabakuna sa mga health centers at itinalagang fixed vaccination sites kahit ngayong holiday season kaya inaanyayahan ang mga magulang na makipag-ugnayan sa pinakamalapit na health center para sa pagpapabakuna ng kanilang mga chikiting,” abiso ng DOH. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here