Home NATIONWIDE Pagbabalik sa lumang school calendar pwedeng paspasan – teacher’s group

Pagbabalik sa lumang school calendar pwedeng paspasan – teacher’s group

MANILA, Philippines- Iginiit ng teachers’ group nitong Martes na maaaring ibalik agad ng Department of Education ang lumang school calendar, at sinabing sakaling hindi ito magawa ay makaaapekto ang labis na init sa pagkakatuto ng mga estudyante.

Nagdesisyon na ang DepEd na unti-unting babalik sa lumang June-March school calendar subalit inihayag ng Teachers’ Dignity Coalition (TDC) na dapat itong paspasan dahil makikita sa kasalukuyang sitwasyon na hindi mainam ang Marso hanggang Mayo para magdaos ng face-to-face classes dahil sa matinding init.

“We believe it is now necessary to expedite the return to the June-March cycle so that we do not suffer the same consequences in 2025 as we did in 2023 and what we currently endure,” anang grupo.

Sinabi ni Vice President Sara Duterte, siya ring education secretary, nitong Lunes na makokompromiso ang bakasyon ng mga guro at mag-aaral ng pagpapabilis ng transisyon.

Tugon naman ng TDC, “what we need is to shorten the school calendar [and not] the school break.”

Paliwanag ng TDC, maaaring paspasan ng DepEd ang pagbabalik ng June–March cycle sa pamamagitan ng pagkakasa sa SY 2024–2025 bilang “transition period” patungo sa bagong academic calendar.

“It should end on April 11, 2025, earlier than DepEd’s plan of May 16, 2025. By our calculations, this would be around 170 days, not far from the 179 days of this year (SY 2023–2024).”

Para sa kasalukuyang school year, binubuo ang adjusted school calendar ng 179 araw o mula August 29, 2023, hanggang May 31, 2024, paliwanag ng TDC.

“Theoretically, two full months per quarter will be possible with some adjustments to the learning competencies,” dagdag nito.

Ayon pa sa TDC, “this is the most effective way to promptly respond to this crisis.”

Sinabi ng grupo na bukas silang makipagdayalogo kay Duterte at sa pamunuan ng DepEd upang talakayin ang panukala.

Nauna nang naglabas ng kautusan ang DepEd para sa unti-unting paglipat sa lumang school calendar. Nagkaroon ng pagbabago sa mga susunod na school year upang pagsapit ng academic year 2026-2027 ay maibalik ang mga klase sa June-March schedule. RNT/SA