Home NATIONWIDE Pagbabalik ng New Zealand-PH air links target ni PBBM

Pagbabalik ng New Zealand-PH air links target ni PBBM

MANILA, Philippines – MASIGASIG si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na makita na tumaas at gumanda ang takbo ng turismo at kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at New Zealand sa pamamagitan ng restorasyon ng air links sa pagitan ng dalawang bansa.

Umaasa si Pangulong Marcos na pag-uusapan ng mga “regulators at carriers” ng dalawang bansa ang nasabing bagay.

“Filipinos would love to go to New Zealand. And I do believe that New Zealanders would like to see the Philippines as well,” ayon kay Pangulong Marcos, araw ng Martes sa isinagawang pakikipagpulong kay newly designated New Zealand Ambassador to the Philippines Catherine Rosemary Mcintosh.

“So, I think that’s another area of interest that we should explore and hope to promote in your stay here, ” aniya pa rin.

Sa kabilang dako, sinabi naman ni Pangulong Marcos na dapat na hiihikayat ng dalawang bansa ang “connectivity’ lalo pa’t sinusubukan ng Pilipinas ang economic transformation.

The government is encouraging accessibility to smaller regional airports,” dagdag na pahayag ni Pangulong Marcos.

Ang Manila airport, aniya ay karaniwang puno kaya itinutulak ng gobyerno na dalhin ang international specifications sa regional airports ng bansa upang sa gayon, ang bawat byahe ay direktang makapunta sa ibang lugar ng hindi na dadaan pa sa Maynila.

“We really are quite full. We need two new airports. We are in the process of building them but for now, I think the way to go is to provide access to the smaller regional airports, which are close to or within the tourist destination,” ayon sa Pangulo.

“But then there’s the business [passengers] too and we are also trying to decongest Manila,” aniya pa rin

Si Mcintosh, ibinigay kay Pangulong Marcos ang kanyang letter of credence ay nagpahayag na mahalagang magkaroon at panatilihin ang direktang air service mula Maynila tungo ng New Zealand, tinukoy ang volume ng Philippine-bound passengers travel via Sydney, Australia.

“But a significant proportion of the Sydney to Manila passengers actually comes from New Zealand first. It’s a good proportion that I think we can make it commercially viable,” ayon kay Mcintosh.

Samantala, binanggit naman ni Pangulong Marcos ang pangangailangan para sa mga bansa sa Indo-Pacific region na magkaroon ng iisang boses at malinaw na pang-unawa sa kanilang mga concerns sa value systems at international law.

“All smaller countries must really bond together and “just make sure that the continuing freedom of navigation and trade in the region is safeguarded,”ayon pa rin sa Pangulo. Kris Jose