Home NATIONWIDE Pagbabawal sa paninigarilyo ng mga kabataan makapagliligtas ng 1.2M buhay – WHO

Pagbabawal sa paninigarilyo ng mga kabataan makapagliligtas ng 1.2M buhay – WHO

179
0

MANILA, Philippines – Maaaring makapagligtas ng nasa 1.2 milyong buhay ang pagbabawal sa pagbebenta ng tobacco sa mga taong ipinanganak sa pagitan ng 2006 at 2010 lalo na mula sa lung cancer, ayon sa pag-aaral na inilabas nitong Huwebes, Oktubre 3.

Ang paninigarilyo ang responsable sa 85% ng lahat ng kaso ng lung cancer, na deadliest cancer sa buong mundo, ayon sa World Health Organization.

Kung magpapatuloy ang kasalukuyang trend, magkakaroon ng nasa tatlong milyong lung cancer deaths sa mga kabataan na ipinanganak mula 2006 hanggang 2010 batay sa pag-aaral ng the International Agency for Research on Cancer (IARC) ng WHO.

Ngunit kung maipagbabawal ang pagbebenta ng tobacco sa 650 milyong kataong ito, nasa 1.2 milyong pagkasawi ang maiiwasan pagsapit ng 2095.

Layon ng pag-aaral na suriin ang epekto ng tobacco-free generation mula sa mga kaso ng cancer at mga nasawi dahil dito mula sa 185 bansa.

Mahigit 45% ng namamatay sa lung cancer ay mga kalalakihan, at nasa 31% naman ang kababaihan.

“This difference is linked to the tobacco industry’s gender-targeted marketing over the past few decades,” saad sa pahayag ni IARC researcher at study co-author Isabelle Soerjomataram. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here