Home HOME BANNER STORY Pagbago ng SK sa Youth Environmental Corps, iminungkahi ng ex-NYC chair

Pagbago ng SK sa Youth Environmental Corps, iminungkahi ng ex-NYC chair

141
0

MANILA, Philippines – Iminungkahi ni dating National Youth Commission (NYC) chairman Cesar Chavez na gawing Youth Environmental Corps (YEC) ang Sangguniang Kabataan (SK) bilang alternatibo sa planong pagbuwag nito.

Ayon kay Chavez, “ecological security is the highest form of security,” at ang pagbabago ng SK ay magtutuon sa kabataan sa proteksyon ng kalikasan at pangmatagalang kaligtasan ng bansa.

Ang panukala ay unang isinulong ni Chavez sa House Bill 12763 noong 1994, at naglalayong magkaroon ng YEC sa bawat barangay. Sa ilalim nito, ang kabataan ay makikilahok sa environmental programs, climate resilience, at community health initiatives, katuwang ang DENR, DILG, pribadong sektor, at civil society.

Ani Chavez, ang bagong YEC ay tatakbo sa walong haligi, kabilang ang pagsuporta sa youth participation, paghahanda sa green at blue economy, at pagpapalakas ng komunidad laban sa climate risks, tulad ng mangrove restoration, urban greening, at disaster preparedness.

Idinagdag niya, ang panukala ay magpapanatili ng SK ngunit irerespurpose ang pondo at istruktura nito. Inaprubahan na ni Chavez na ang SK’s budget na tinatayang P23.1 bilyon para sa 2026 ay ilalaan sa mga environmental program gaya ng community gardens, recycling systems, tree nurseries, disaster preparedness, at climate resilience projects.

“Transforming SK into YEC operationalizes that idea by turning young people into active defenders of ecological security, not just future leaders but present-day guardians of the environment,” ani Chavez.

Binanggit din niya na ang kasalukuyang SK ay madalas nakatuon sa short-term o event-based activities gaya ng sports leagues at pageants, na may limitadong pangmatagalang epekto. Sa pamamagitan ng reporma, mas malinaw ang mandato, transparency, at accountability ng SK sa pagpapatupad ng mga environmental programs. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here