Home NATIONWIDE Pagbantay sa tamang pagpapatupad ng 2026 badyet, susunod na hamon sa publiko...

Pagbantay sa tamang pagpapatupad ng 2026 badyet, susunod na hamon sa publiko — Lacson

303
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson nitong Linggo na ang susunod na hamon para sa publiko ay ang pagbabantay sa tamang pagpapatupad ng iminungkahing 2026 national budget, matapos ang aktibong pagmo-monitor sa mga deliberasyon nito ngayong taon.

Ani Lacson sa isang panayam sa radyo, mahalagang ipagpatuloy ng mamamayan, kasama ang Simbahang Katolika, iba pang relihiyosong grupo, at civil society organizations, ang pagbabantay sa implementasyon ng budget.

“Ang 2026 budget ang magsisilbing sukatan kung may tunay na reporma sa ating gobyerno at bansa,” dagdag niya.

Binanggit din ng senador na mayroong mga general at special provisions ang Senado para magsilbing safety nets at safeguards sa pagpapatupad ng budget.

Kasama rito ang pagbabawal sa paggamit ng guarantee letters at anumang uri ng “epal” sa mga ayuda, at ang mahigpit na pagpapatupad ng Medical Assistance to Indigent and Financially Incapacitated Patients (MAIFIP) alinsunod sa Universal Health Care program.

Dagdag pa niya, magkakaroon ng buwanang oversight sa implementasyon ng mga infrastructure at farm-to-market road projects, na may kasamang grid coordinates upang madaling mamonitor ng media at publiko.

Ang deliberasyon ng 2026 budget ay isinailalim sa pinakamahigpit na public scrutiny matapos lumabas ang multi-billion peso anomalous flood control projects sa nakaraang mga taon, na diumano’y kinasasangkutan ng daan-daang mambabatas at opisyal ng gobyerno.

Ang Senado at House of Representatives ay inaasahang mag-ratify ng iminungkahing P6.7-trilyong 2026 budget sa sesyon ng Disyembre 29. Ayon kay Executive Secretary Ralph Recto, pipirmahin ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa unang linggo ng Enero. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here