Home NATIONWIDE Pagbasura ng petisyon vs PUVMP papalagan ng jeepney drivers, operators

Pagbasura ng petisyon vs PUVMP papalagan ng jeepney drivers, operators

MANILA, Philippines- “With due respect to the Supreme Court, the fight is not over yet.”

Ito ang inihayag ni Bayyo Drivers and Operators Association (Bayyo) President Anselm Perweg kasunod ng pagkakatanggap ng desisyon ng na bumabasura sa kanilang petisyon laban sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

Ayon kay Perweg, dismayado sila sa desisyon ng SC, na aniya’y ibinasura ang kanilang petisyon“over technical grounds” laban sa programa ng Department of Transporation (DOTr).

Sa kopya ng petisyon mula sa abogado ni Bayyo na si Attorney Sonny Matula, sinabi ng Supreme Court na hindi nakapagpresenta ang grupo na sapat na ebidensya sa kanilang hiling na ipatigil aang implementasyon ng PUVMP.

“The Court cannot simply rely on the bare and unsubstantiated allegations of the petitioners as to the supposed adverse effects of the assailed DO No. 2017-011 on the livelihood of PUJ [Public Utility Jeepney] drivers and operators,” saad sa desisyon.

Inilabas ang resolusyon ng Supreme Court noong July 2023 subalit naibigay lamang kay Bayyo nitong March 5.

Dalawang araw matapos matanggap ang Supreme Court ruling, sinabi ng grupo ng drivers at operators na iaapela nila ang desisyon.

“We will file a motion for reconsideration and beg for the court’s leniency regarding locus standi [right to be heard], as this case involves an issue of transcendental importance,” ani Matula.

“Precedent indicates that the Supreme Court has granted due course to numerous motions for reconsideration.”

Inihain ang petisyon ni Bayyo upang tutulan ang pagpapatupad ng PUVMP, na anila’y makaaapekto sa jeepney drivers at operators sa buong bansa.

“We would be buried in debt if the PUV modernization would be implemented in its current form and we cannot especially afford the new P2-million jeepney unit,” ani Perweg.

“The Bayyo Drivers and Operators Association is calling for a reconsideration of the Supreme Court’s decision, hoping that the court will see merit in their arguments and recognize the importance of an inclusive decision-making process in government,” ayon sa pahayag ng grupo. RNT/SA

Previous articlePNP, DOH sanib-pwersa vs illegal sale ng vape sa mga kabataan
Next articleAgresyon ng Tsina kinondena ng US official