Home NATIONWIDE PNP, DOH sanib-pwersa vs illegal sale ng vape sa mga kabataan

PNP, DOH sanib-pwersa vs illegal sale ng vape sa mga kabataan

MANILA, Philippines- Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Benjamin Acorda Jr. saaa operation directorate ng organisasyon na lumikha ng alituntunin laban sa ilegal na pagbebenta ng vape products sa mga menor-de-edad.

Inilabas ni Acorda ang utos matapos humingi ng tulong ni Department of Health (DOH) Secretary Teodoro Herbosa sa PNP upang tiyakin na walang access ang minors sa e-cigarettes sa gitna ng pagtaas bilang ng mga kabataang gumagamit ng e-cigarettes at vapes.

Sa press briefing sa Camp Crame nitong Miyerkules ng hapon, inihayag ni Acorda na inatasan niya ang pinuno ng Directorate for Operations (DO), si Maj. Gen. Ronald Lee, na bumuo ng operational guidelines kung saan bibigyang-diin ang pagprotekta sa mga menor-de-edad, kabilang ang pag-aresto sa mga nagbebenta.

“The provision of the law is clear; the protection of the minors is the intention of the law. what we want to come out (with) for uniformity of the implementation. That will be the output of our DO, but the real intention is the spirit of the law,” wika ni Acorda.

“Also, we will be having our community awareness program, and through the media. We will make sure that this opportunity that we have now to inform the public of the bad effects of vaping,” dagdag ng opisyal.

Hiniling ng DOH Secretary kay Acorda na tiyakin ang mahigpit na impleemntasyon ng partikular na probisyon ng Republic Act (RA) 11900 ukol sa pagbabawal ng pagbebenta ng vape sa mga edad 18-anyos pababa.

“They (minors) are getting sick because they can buy vape and they have been doing this for months. So, this is what I asked the PNP, to help implement what is written in the law because the DOH has no enforcement power,” giit ni Herbosa. RNT/SA