Home TOP STORIES Pagbasura ng US Supreme Court sa global tariffs, binatikos ni Trump: “Unpatriotic...

Pagbasura ng US Supreme Court sa global tariffs, binatikos ni Trump: “Unpatriotic and disloyal!”

163
0

UNITED STATES – Inatake ni US President Donald Trump ang mga Supreme Court justices na nagbasura sa kanyang malawakang global tariffs, kabilang ang dalawang kanyang appointees, at sinabi niyang naimpluwensyahan sila ng “foreign interests.”

“Shameful,” sabi ni Trump sa White House press conference. “They’re very unpatriotic and disloyal to our Constitution,” at tinawag pa silang “fools and lap dogs.”

Ang anim na desisyon ng korte (6-3) ay nagbasura sa tariffs bilang labag sa batas. Pinuri niya ang tatlong konserbatibong justices na sinuportahan ang kanyang kapangyarihan na magpataw ng tariffs: Clarence Thomas, Samuel Alito, at Brett Kavanaugh, na kanyang appointee. Tinawag niya si Kavanaugh na “genius” at ipinahayag ang kanyang pagmamalaki.

Inakusahan ni Trump ang korte ng impluwensya mula sa dayuhang interes at sinabi, “It’s my opinion that the court has been swayed by foreign interests.” Nang tanungin kung may ebidensya, sagot niya: “You’re going to find out.”

Sinundan ito ng suporta ni Vice President JD Vance, na tinawag ang desisyon ng korte bilang “lawlessness from the court, plain and simple.”

Ayon sa eksperto sa constitutional law na si Steven Schwinn, ipinapakita ng atake ni Trump ang maling pag-unawa niya sa separation of powers, at tila iniisip niya na anumang hindi pagsang-ayon sa kanya sa batas ay awtomatikong mali.

Tinukoy din ni Trump ang State of the Union: tatlong justices na sinuportahan siya ay “happily invited,” habang ang iba pang anim ay “invited, barely,” at aniya, “I couldn’t care less if they come.” RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here