Home METRO Kanlaon, mahigpit na binabantayan matapos sumabog noong Huwebes

Kanlaon, mahigpit na binabantayan matapos sumabog noong Huwebes

214
0

NEGROS OCCIDENTAL, Philippines – Mahigpit na binabantayan ang aktibidad ng Bulkang Kanlaon matapos sumabog ito noong Huwebes, hindi pa rin isinasantabi ng Phivolcs ang posibilidad ng panibagong eruptive episode.

Ayon kay Mari-Andylene Quintia, resident volcanologist sa Kanlaon Volcano Observatory sa La Carlota City, Negros Occidental, patuloy na minomonitor ang mga parameters ng bulkan upang masuri ang kondisyon ng magmatic system nito.

Ipinahayag ni Quintia na ang kasalukuyang readings ay hindi kasing taas ng naitala noong 2024 eruptions.

Ang sulfur dioxide emissions ay patuloy na tumataas paminsan-minsan, kasalukuyang nasa bahagyang higit sa 2,000 tons kada araw.

May perceptible tremors rin ang seismic activity, at ipinapakita ng ground deformation data ang unti-unting inflation ng lupa, ngunit hindi ito biglaan.

Nanatili ang Kanlaon sa Alert Level 2, ibig sabihin ay moderate unrest, kaya mataas pa rin ang pagbabantay ng awtoridad.

Ayon sa Phivolcs, ang Kanlaon edifice ay unti-unting nag-i-inflate mula pa noong 2022 dahil sa magma intrusion sa ilalim ng bulkan.

Ang short-term swelling na nagsimula noong huling bahagi ng Enero 2026 ay nauna sa kamakailang pag-erupt.

Ito ay bahagi ng recurring eruptive process mula noong una itong nag-moderately explosive noong Hunyo 2024.

Pinayuhan ng Office of Civil Defense-Negros Island Region (OCD-NIR) ang mga LGUs na maging handa sakaling tumaas ang panganib.

Ayon kay OCD-NIR Director Donato Sermeno, ang preemptive evacuation ay pansamantalang nakahinto habang patuloy ang pagsusuri sa kondisyon ng bulkan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here