Home NATIONWIDE Pagbasura sa huling drug case vs De Lima bubusisiin ng prosecutors

Pagbasura sa huling drug case vs De Lima bubusisiin ng prosecutors

MANILA, Philippines- Sinabi ng government prosecutors na pag-aaralan nila ang desisyon ng Muntinlupa court na nagpawalang-sala kay dating senador Leila de Lima sa huling drug case laban sa kanya noong Hunyo 24.

Iginawad ng Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) Branch 206, sa desisyon noong Hunyo 3, ang demurrer to evidence ni De Lima, katumbas ng acquittal, na inihain noong Marso 20 ng kasalukuyang taon sa case 17-167. 

Isa ito sa tatlong kasong inihain ng Department of Justice (DOJ) noong Pebrero 2017 sa panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

“Thus, assessing the totality of the evidence presented by the prosecution, the Court is of the resolve and so holds that the prosecution was not able to prove the guilt of all the accused beyond reasonable doubt,” giit ni Presiding Judge Gener Gito na sumulat sa desisyong inihayag sa hearing na dinaluhan ni De Lima noong Hunyo 24.  

Sa desisyon, pinawalang-sala ng korte si De Lima at apat niyang co-accused sa kasong conspiracy to commit illegal drug trading. 

“Wherefore, for failure of the Prosecution to prove the guilt of all the accused beyond reasonable doubt, the respective Demurrer to Evidence filed by the accused are granted. Thus, Leila M. De Lima, Franklin Jesus B. Bucayu, Ronnie Palisoc Dayan, Joenel Tan Sanchez and Jose Adrian Tiamson Dera are acquitted of the charge against them,” saad sa desisyon ng korte.

Sa case 17-167, inakusahan ng DOJ sina De Lima, Bucayu, Dayan, Sanchez at Dera na sa pagitan ng Marso 2013 at Mayo 2015, na ginamit umano ng mga ito ang mga preso ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa sa illegal drug trading gamit ang mobile phones at iba pang electronic devices, kung saan umano sila kumita ng P70 milyon.

Inihayag ni Ramoncito Bienvenido Ocampo Jr., chief provincial prosecutor ng Bataan, magdedesisyon sila sa susunod nilang aksyon pag nakuha na nila ang buong kopya ng hatol.

Sabi umano ni Gito, base kay Ocampo, “They [accused] may now enjoy their unmitigated freedom.”

“But we have not yet read the decision so we are not discounting the possibility of exhausting all proper legal remedies,” dagdag niya.

Sinabi ni Ocampo na magpupulong ang mga miyembro ng panel of prosecutors sa De Lima case “to discuss whether or not we will file a motion for reconsideration or any other legal remedies that will be warranted under the circumstances.” 

“We are also very happy for the good senator because once upon a time she was our former boss. And we don’t lose our respect even though we are on the other side of the fence,” ani Ocampo.

Sabi naman ni Prosecutor Darwin Cañete, “We have no animosity against the good senator. We just did our job.”  

Pahayag naman ni De Lima sa pagdiriwang ng kanyang tagumpay kasama ang mga taga-suporta sa Muntinlupa Hall of Justice, “With the grant of our demurrer to evidence, which is tantamount to acquittal,  this means I am completely free, and vindicated.”

Naibasura na ang tatlong kasong inihain ng Department of Justice (DOJ) noong 2017 sa ilalim ng Duterte administration. RNT/SA