MAILA, Philippines- Hindi awtorisado ang iba’t ibang online platforms sa pagbebenta ng collared shirts na may nakalagay na logo ng Department of Education (DepEd).
“Sa social media naglipana talaga ang enterprising individuals/groups na gusto naman kumita. But DepEd did not authorize anyone or any group to sell,” ayon kay Education deputy spokesperson, Assistant Secretary Francis Bringas.
Base kay Bringas, madaling magkaroon ng access ang mga seller sa logo ng departamento matapos na magbigay ito ng go-signal sa alternatibong uniporme para sa lahat ng guro at non-teaching personnel sa gitna ng nakapapasong init ng panahon sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
“Remember that the DepEd seal and MATATAG seal (like all other seals and logos) are readily accessible on the Internet. Again, we are allowing the use of any collared Deped shirts that they already have,” ang sinabi pa rin ni Bringas.
Wala aniyang dahilan para bumili online, lalo pa’t ang pinapayagan na alternative uniforms ay hindi limitado lamang sa national activities.
“May mga DepEd events in schools, districts, divisions, and regions where shirts were distributed. Those are allowed so long as collared as per guidelines,” ang sinabi pa rin nito.
Sa kabilang dako, nilinaw ng departamento na “no color is prescribed for the alternative uniforms,” dapat lamang ay naisuot na ito sa dating DepEd activities.
Ang white-collared shirts na may DepEd at MATATAG logo ay idinagdag bilang supplementary option.
Maaari namang iterno ng mga guro at iba pang staff ang kanilang tops sa slacks, jeans, cargo pants, o iba pang matte black pants, gaya ng nakasaad sa ilalim ng Memorandum DM-OUHROD-2024-0662.
Ipinagbabawal naman na iterno ang mga pantaas sa leggings, tights, at jogging pants, nakasaad sa ilalim ng revised dress code ng Civil Service Commission para sa lahat ng opisyal at empleyado ng gobyerno sa kanilang workplace. Kris Jose