MANILA, Philippines- Lumala pa ang power situation sa Visayas grid, kung saan itinaas na ito sa red alert mula sa naunang yellow alert, ayon sa National Grid Corp. of the Philippines (NGCP) nitong Huwebes.
Sa abiso, sinabi ng NGCP na isasailalim ang Visayas grid sa red alert mula alas-6 hanggang alas-7 ng gabi.
Nauna nang inihayag ng grid operator na paiiralin ang yellow alert sa grid mula ala-1 ng hapon hanggang alas-9 ng gabi dahil pumapalo lamang ang available capacity sa 2,662 MW kumpara sa peak demand na 2,465 MW.
“The Visayas grid was upgraded to red alert status due to higher forecast demand this evening,” wika ng NGCP.
Base sa NGCP, ang Visayas grid ay mayroong available capacity na 2,410 MW kumpara sa peak demand na 2,345 MW.
Inihayag ng grid operator na 13 power plants ang naka-forced outage, habang siyam ang nagpapatuloy ng operasyon sa derated capacities, para sa kabuuang 696.7MW kakulangan sa Visayas grid. RNT/SA