Home HOME BANNER STORY Pagbebenta ng P20/kg bigas itinigil muna ng DA

Pagbebenta ng P20/kg bigas itinigil muna ng DA

Ibinababa na ng rice retailers sa Kamuning Market sa Quezon City ang mga bagong hatid na P38 Kadiwa ng Pangulo rice sa kanilang mga stall.Ito ay kasunod ng anunsyo ng Department of Agriculture ng pagpapatupad ng Food Security Emergency sa bigas. DANNY QUERUBIN

MANILA, Philippines – Sinuspinde ng Department of Agriculture (DA) ang pagbebenta ng ₱20 kada kilong bigas sa Cebu matapos lamang ang isang araw ng rollout noong Mayo 1, alinsunod sa utos ng Comelec na ihinto muna ang proyekto hanggang matapos ang Eleksyon 2025.

Tanging 10 kilo lang ang pinayagang bilhin kada tao, na prayoridad ang mga senior citizen, solo parent, at PWD.

Ayon kay DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., todo-suporta si Pangulong Marcos sa proyekto pero minabuting itigil muna ito para maiwasan ang posibleng kaso at isyu sa pamumulitika. Santi Celario