MANILA, Philippines – Inaasahang bababa ang presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo, ayon sa Department of Energy.
Ayon kay Assistant Director Rodela Romero, batay ito sa apat na araw ng kalakalan sa Mean of Platts Singapore (MOPS).
Tinatayang bawas-presyo: gasolina ₱0.25–₱0.70 kada litro, diesel ₱0.30–₱0.80, at kerosene ₱0.50–₱0.70.
Ang rollback ay dulot ng pangamba sa oversupply sa pandaigdigang merkado, pagtaas ng imbentaryo ng langis sa US, at inaasahang dagdag-produksyon ng Saudi Arabia.
Iaanunsyo ng mga kompanya ng langis ang pinal na presyo sa Lunes, epektibo sa Martes. RNT