Home NATIONWIDE Pagbibigay ng P62.9B unpaid allowance sa HCWs, target makumpleto sa 2026

Pagbibigay ng P62.9B unpaid allowance sa HCWs, target makumpleto sa 2026

MANILA, Philippines – Target ng Department of Health (DOH) na maibigay sa 2026 o mas maaga ang natitirang P62.9 bilyong COVID-19 health emergency allowance (HEA) para sa mga healthcare worker.

Sa panel hearing ng Commission on Appointments sa kanyang ad interim appointment bilang Health secretary, kinumpirma ni Herbosa na may utang pa rin ang DOH sa halos dalawang milyon sa sampung milyon healthcare workers ng P62.9 bilyong halaga ng HEA na naipon mula 2021 hanggang 2023.

Sinabi ni Herbosa na noong Nobyembre, hiniling niya sa Department of Budget and Management (DBM) na maglabas ng P25.96 bilyon para sa HEAs ng mga health workers.

Nauna nang nagsampa ng reklamo ang United Private Hospital Unions of the Philippines (UPHUP) sa Anti-red Tape Authority laban sa ilang regional offices ng DOH dahil sa kanilang hindi pagsagot sa mga katanungan hinggil sa matagal nang pamamahagi ng HEA.

Dagdag pa niya na ang HEAs ay makukumpletong maipamahagi ng mas mabilis kung makakakolekta ang gobyerno ng mas maraming buwis. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous article‘Di lang diplomatic protest’: Gobyerno kinalampag ni Hontiveros sa pagdagsa ng Chinese ships sa WPS
Next articleTotoy na umakyat sa puno ng mangga, nakuryente