Home NATIONWIDE Pagbibitiw ni PCO senior undersecretary Ana Puod kinumpirma ng Malakanyang

Pagbibitiw ni PCO senior undersecretary Ana Puod kinumpirma ng Malakanyang

MANILA, Philippines – KINUMPIRMA ng Malakanyang ang pagbibitiw sa puwesto ni Presidential Communications Office Senior Undersecretary Analisa “Ana” Puod.

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na, “may nag-resign.. si Ma’am Ana Puod pero iyong iba po na nawala na sa posisyon 27 po iyong expired term at ang iba naman po na-accept naman po iyong courtesy resignation.”

Nilinaw ni Castro na sa kanilang mga Undersecretary, wala naman aniyang direktiba si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na magbitiw sila sa puwesto o magsumite ng kanilang courtesy resignation, hindi aniya katulad ng direktiba ng Chief executive sa mga miyembro ng kanyang gabinete na magsumite ng courtesy resignation.

“Sa mga usec. po kasi wala naman pong direktiba na kami ay maghain ng courtesy resignation. Depende na lamang po sa Pangulo kung ang mga usec. asec. At ibang mga director ay hindi tumatalima sa direktiba ng Pangulo – iyon po ay maaaring matanggal. At boluntaryo po kay Miss Ana Puod ang kaniyang pagre-resign at kung anuman ang kaniyang dahilan personal na po sa kaniya iyon,” aniya pa rin.

Sa kabilang dako, sa kanya aniyang pagkakaalam, sa PCO ay may 17 ang natanggap ang courtesy resignations.

At sa tanong kung dapat na agad na palitan ang mga ito sa kanilang binakanteng puwesto, sinabi ni Castro na “Most probably. Hindi po natin sigurado iyon. Kung sila ay kawalan at kailangan ng isang magaling na tauhan sa kanilang posisyon definitely dapat itong mapunan.”

Samantala, pinasalamatan naman ni Puod si Pangulong Marcos para sa tiwala at kumpiyansang ipinagkaloob sa kanya at para sa oportunidad na magsilbi sa administrasyong Marcos.

”In the short period that I have been with PCO I have gained much appreciation with your sincere and kind leadership, anchored on your genuine vision for better, greater Filipino nation,” ang sinabi ni Puod.

Si Puod ay nauna nang nagsilbi bilang general manager ng government station na PTV. Kris Jose