Home ENTERTAINMENT Pagbili ng planner ni Maris, isyu sa netizens!

Pagbili ng planner ni Maris, isyu sa netizens!

Manila, Philippines- There’s absolutely nothing corny with having a year planner.

Ito ‘yung parang notebook na maaaring magsilbing diary, calendar ng mga scheduled activities mo o talaan ng mga importanteng record.

Ginagamit ito ng karamihan: estudyante, professional, common tao who needs to be reminded of what to do.

Sadly, hindi ganito ang pananaw ni Maris Racal ukol sa mga planner.

Worse, nakokornihan daw siya sa pagkakaroon nito.

On Instagram, nagpost si Maris ng kanyang candid photo asking the netizens about buying a planner for herself.

Tahasan niyang sinabi that she finds having one does not make her feel comfortable.

In short, she finds it corny.

Take note, Maris was referring to a planner and not a joke.

Kamukat-mukat mo, kinabukasan on Instagram again ay nag-post siya ng larawan ng sarili na may sinusulat na sa binili niyang planner.

A day before that kasi, ang photo na flinex niya ay kuha sa loob ng office at school supplies store.

Of course, seeing Maris flex her photos holding a planner prompted the netizens to ask: “‘Yan ba ang nakokornihan?! Bibili ka rin pala, ang dami mo pang arte!”

Sino naman kasi ang matutuwa na kailangan pang hingin ni Maris ang opinyon ng bayan tungkol sa pagbili ng planner as if national issue ang pinag-uusapan?

Dagdag pa ng mga dismayadong netizens, siguro raw kaya nakokornihan si Maris sa planner ay dahil siya ang tipo ng taong hindi nagpaplano sa buhay.

Yung relasyon niya kaya kay Rico Blanco, wala rin sa plano ni Maris? Ronnie Carrasco III

Previous article4.4M benepisyaryo makikinabang sa P10B taas-budget sa 4Ps
Next articleWest Philippine Sea ‘real flashpoint’ hindi Taiwan – Amb. Romualdez