Home NATIONWIDE 4.4M benepisyaryo makikinabang sa P10B taas-budget sa 4Ps

4.4M benepisyaryo makikinabang sa P10B taas-budget sa 4Ps

MANILA, Philippines – IKINATUWA ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mas mataas na 2024 budget allotment na P112.8 billion para sa 4.4 milyong benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

“We thank the Marcos administration for this higher budget allocation for the 4Ps program. This will benefit the qualified and compliant beneficiaries, ensuring that they will continue to receive their grants that will help them attain self-sufficiency and eventually break the intergenerational cycle of poverty in their families,” ayon kay DSWD spokesperson Romel Lopez.

Nauna nang inanunsyo ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Mina Pangandaman ang budget allocation para sa 4Ps sa ilalim ng 2024 General Appropriations Act (GAA), P10.23 billion ang itinaas kumpara sa P102.61 billion budget noong 2023.

Ani Lopez, ang tumaas na alokasyon para sa 4Ps ngayong taon ay nagpapahiwatig ng pinaigting na pagsisikap ng gobyerno sa pagsuporta sa mga mahihirap na pamilya na naka-angkla sa pananaw ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa “Bagong Pilipinas.”

“This significant increase demonstrates the current administration’s commitment to uplifting the lives of our poor kababayans,” ang naging pahayag ni Lopez, tumatayo rin bilang DSWD Assistant Secretary for Strategic Communications.

Gamit ang karagdagang P10 billion, sinabi ni Lopez na ang mga mahihirap na pamilya na sumusunod sa kondisyon ng 4Ps program ay patuloy na makatatanggap ng kanilang grants para sa pagpapabuti sa edukasyon, nutrisyon at kalusugan ng kanilang anak o mga anak.

Sa ilalim ng programa, ang 4Ps household-grantees ay makatatanggap ng P750 grants para sa kalusugan, P600 para sa bigas at educational subsidies mula P300 hanggang P700 kada buwan, tinatayang 7 milyong estudyante ang makikinabang dito.

Noong nakaraang taon, may 600,000 pamilya ang gumradweyt (graduate) na mula sa programa at nagkaroon na ng self-sufficiency status. Kris Jose

Previous articleKasunduang magpapalakas sa interoperability sa maritime domain tinintahan ng Pinas, Australia
Next articlePagbili ng planner ni Maris, isyu sa netizens!