Home NATIONWIDE Kasunduang magpapalakas sa interoperability sa maritime domain tinintahan ng Pinas, Australia

Kasunduang magpapalakas sa interoperability sa maritime domain tinintahan ng Pinas, Australia

MANILA, Philippines – NILAGDAAN ng Pilipinas at Australia ang tatlong kasunduan na inaasahang magpapalakas sa interoperability ng maritime environment sa pagitan ng dalawang bansa.

”The three agreements exchanged today shall enhance information sharing, capability building, and interoperability between our relevant government agencies in the maritime domain and maritime environment, cyber and critical technology, and competition law,” ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa joint press statement nila ni Australian Prime Minister Anthony Albanese.

Si Pangulong Marcos ay kasalukuyan ngayong nasa Canberra, Australia para sa kanyang two-day official visit kung saan nagsalita siya sa Australian Parliament, humingi ng suporta ang Pangulo sa Australia sa gitna ng regional threats.

”The three agreements add to the more than 120 agreements that our two countries have signed through the decades. And these are in various fields, including defense cooperation, air services, education, research, scientific and cultural cooperation, amongst others,” ayon kay Pangulong Marcos.

Sinabi naman ng Australian government na kapuwa tinintahan nina Pangulong Marcos at Albanese ang sumusunod na Memoranda of Understanding para ipatupad ang mga mahahalagang prayoridad ng strategic partnership ng dalawang bansa gaya ng “Enhanced Maritime Cooperation, naglalayong palakasin ang umiiral na civil at defense maritime commitments; Cyber at critical technology para mas maging matatag laban sa cyber attacks at hikayatin ang kooperasyon ukol sa digital economy; at Pagtutulungan sa pagitan ng dalawang bansa para sa national competition commissions para mapahusay ang epektibong “competition law and policy.”

Samantala, sinabi ni Pangulong Marcos na kinikilala ng gobyerno ng Pilipinas ang hindi mapag-aalinlanganang papel ng Australia bilang regional stabilizer.

”As a flourishing democracy and a staunch advocate of the rules-based order and rule of law, Australia responsibly discharges its economic and strategic capacity, thereby sustaining the regional framework that has allowed us to experience unprecedented growth and peace,” ang sinabi ng Punong Ehekutibo.

”The Philippines fully adheres to the same set of values, making our two countries natural partners in the region,” aniya pa rin. Kris Jose

Previous articleChina, nagpahayag ng ‘grave concern’ sa mga aktibidad ng Pinas sa WPS
Next article4.4M benepisyaryo makikinabang sa P10B taas-budget sa 4Ps