Home NATIONWIDE China, nagpahayag ng ‘grave concern’ sa mga aktibidad ng Pinas sa WPS

China, nagpahayag ng ‘grave concern’ sa mga aktibidad ng Pinas sa WPS

MANILA, Philippines – KAAGAD na sinagot ng China ang naging pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos na ilarawan nito na ang kamakailan lamang na aksyon ng Beijing sa West Philippine Sea (WPS) ay nakababahala.

Sinabi ni Chinese foreign affairs ministry spokesperson Mao Ning na pinapanatili ng Tsina ang aksyon nito para protektahan ang “territorial sovereignty and maritime rights and interests” nito.

“China’s position on the South China Sea is consistent and clear. We express grave concern over the Philippines’ recent activities in the South China Sea that infringe on China’s sovereignty and will continue to take necessary measures to firmly safeguard our territorial sovereignty and maritime rights and interests, and keep the South China Sea peaceful and stable,” aniya pa rin.

Nauna rito, sinabi ni Pangulong Marcos na nakababahala ang presensiya ng mga barko ng Tsina sa West Philippine Sea at nararanasang interference sa electronic communication capabilities ng Philippine vessels.

“It’s worrisome because there are two elements to that: one is that the — dati Coast Guard lang ng China ang gumagalaw doon sa area natin. Ngayon, may Navy na sumama pa mga fishing boat,” ayon sa Pangulo.

“So, nagbabago ang sitwasyon, but – well, maliwanag naman para sa atin, we don’t really – we just watch, of course, what everybody is doing, but really for us, patuloy pa rin natin, we just defend our maritime territory,” dagdag na wika nito.

Para protektahan naman ang mga mangingisda, ngayong buwan ay sinimulan na ng Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) vessels ang pagsasagawa ng rotational deployment sa Bajo de Masinloc.

Sinasabing tumaas ang tensyon sa pagitan ng China at Philippines matapos na magpalitan ng akusasyon ang dalawang bansa gaya ng di umano’y intrusyon, shadowing, blocking, at pagpapakita ng dangerous maneuvers ng Tsina.

Inangkin naman ng China ang karamihan sa lugar sa South China Sea, habang ang ibang bahagi naman ay inaangkin ng mga bansang gaya ng Pilipinas Brunei, Malaysia, Taiwan, Vietnam, at Indonesia. Kris Jose

Previous articlePura Luka muling inaresto!
Next articleKasunduang magpapalakas sa interoperability sa maritime domain tinintahan ng Pinas, Australia