Home METRO Pura Luka muling inaresto!

Pura Luka muling inaresto!

MANILA, Philippines – Sa pangalawang pagkakataon ay inaresto ang kontrobersyal na Drag Queen na si Pura Luka Vega na napabilang din sa Top 10 Most Wanted Person sa District Level nitong Huwebes ng hapon sa DOH sa Rizal Avenue, Sta. Cruz, Maynila.

Si Vega na Amadeus Magallanes Pagente sa tunay na buhay ay may kinakaharap ding ibat-ibang kaso tulad ng Immoral doctrines, obscene publications and exhibitions and indecent shows (RPC ART. 201 as amended by PD 960 and PD 969) PAR. (2)(B)(3), in relation to SEC 6 OF R.A. 10175).

Sa impormasyon na ibinahagi ng mga operatiba ng MPD Police Station 3 Intel at Warrant Section, nagsagawa ng manhunt operation upang i-serve ang warrant of arrest laban kay Pura Luka.

Ang kanyang warrant ay inisyu ni Hon.Dolly Rose Ranoco Bolante-Prado, Presiding Judge ng Quezon City RTC Branch 306.

Si Luka ay naunang naaresto noong Octobre 2023 dahil sa mga nabanggit niyang mga kaso. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articleDSWD naglaan ng P1.4B pondo vs El Niño
Next articleChina, nagpahayag ng ‘grave concern’ sa mga aktibidad ng Pinas sa WPS