Home NATIONWIDE Pagbisita ng Taiwan minister sa Pinas, pinalagan ng Tsina

Pagbisita ng Taiwan minister sa Pinas, pinalagan ng Tsina

252
0

MANILA, Philippines – Nagpaabot ng “seryosong protesta” ang China laban sa Pilipinas kaugnay ng iniulat na pagbisita ng Taiwanese Foreign Minister Lin Chia-lung sa Maynila ngayong linggo, kasabay ng babalang may magiging kapalit ito.

Inakusahan ng Beijing ang Maynila na nagbigay ng plataporma sa “Taiwan independence separatists” at lumabag sa One-China Policy.

“Over the past weeks and months, the Philippines has taken a series of wrong and provocative moves on Taiwan-related issues, and kept fudging and hollowing out the one-China principle and hurting China-Philippines ties,” ayon sa tagapagsalita ng Beijing.

“There is a price to pay for trampling on China’s red line, and all consequences arising therefrom will be borne by the Philippines.”

Sa kabilang banda, hindi kinumpirma o itinanggi ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagbisita at sinabi lamang na walang kinikilalang opisyal mula Taiwan bilang bahagi ng delegasyon, alinsunod sa One-China Policy.

“Alinsunod sa One China Policy ng Pilipinas, walang opisyal mula Taiwan ang kinikilalang bahagi ng business delegation na bumisita kamakailan,” ayon sa DFA.

Giit ng China, ipinakita umano nito ang “seryosong kakulangan sa kredibilidad” ng Maynila at muling iginiit na ang Taiwan ay “di-mahihiwalay na bahagi” ng kanilang teritoryo.

Nanawagan ang Beijing sa Pilipinas na “huwag makipaglaro ng apoy” at tigilan ang pagpapadala ng maling signal sa mga puwersang pabor sa kalayaan ng Taiwan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here