
MANILA, Philippines – Mariing kinondena ng United Arab Emirates (UAE) nitong Lunes ang isinagawang missile attack ng Iran sa Al Udeid Air Base sa Qatar—ang pinakamalaking pasilidad ng militar ng U.S. sa rehiyon.
Sa pahayag ng foreign ministry ng UAE na inilabas sa state news agency na WAM, tinawag ng Abu Dhabi ang pag-atake ng Iranian Revolutionary Guard bilang “hayagang paglabag sa soberanya at himpapawid ng Qatar.” RNT